Kapitan utas sa kapwa kapitan sa Sampaloc

NABULABOG ang mga residente nang umalingawngaw ang putok ng baril sa loob mismo ng isang barangay hall kagabi sa Sampaloc, Maynila at mapatay ang isang barangay chairman ng kapwa niya punong barangay.

Kinilala ang napatay na si Chairman Romano Hilario ng Brgy. 473, Zone 47, Dist 4, Sampaloc, Maynila.

Pinaghahanap naman ang nakabaril na kapwa niya barangay chairman na si Jonathan Florendo, ng Brgy. 480, Zone 47, ng nasabi ring distrito.

Sa report, alas 9:15 kagabi nang maganap ang insidente sa loob mismo ng barangay hall ni  Chairman  Ruben Pena ng Brgy. 478 ng nasabi ring distrito sa 946 Maria Cristina St., Sampaloc, Maynila.

Nauna rito, nagkaroon umano ng pagpupulong ang mga eskuwelahan na kanilang nasasakupan nang biglang magtalo sina chairman  Romano at chairman Florendo.

Sa kalagitnaan ng pagtatalo ay bigla na lamang bumunot ng baril si chairman Florendo at pinaputukan ang biktima na nagresulta ng kanyang kamatayan.

Inimbitahan naman si chairman Pena upang magbigay ng pahayag hinggil sa insdente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply