Karahasan sa rally sa SONA ni PNoy iimbestigahan ng CHR

MAGSASAGAWA ng malawakang imbestigasyon ang Commission on Human Rights (CHR) kaugnay sa naganap na karahasan sa panig ng mga raliyista at Philippine National Police (PNP) kasabay ng state of the nation address (SONA) ni Pangulogn benigno Aquino III.

Sa kabila ng sinasabing mapayapang SONA ni Pangulong Benigno Aquino III, hindi naiwasan na magkasakitan ang mga raliyista at mga awtoridad kaya iimbestigahan ng CHR ang nangyaring karahasan.

Ayon kay CHR Chairperson Etta Rosales, maging ang mga kinatawan ng bawat grupo na nag-rally ay kanilang pagpapaliwanagin ukol sa sumiklab na kaguluhan kahapon sa SONA ng Pangulong Noynoy Aquino.

Nabatid na aabot 95 ang sugatan sa hanay ng mga raliyista at apat mula sa media ang sugatan matapos magkagirian sa Commonwealth Avenue sa Quezon City habang umuusad ang SONA ni Pangulong Aquino.

Samantala, tiniyak din ng Philippine National Police na magsasagawa sila ng imbestigasyon sa magulong kilos-protesta.

Ayon kay QCPD Dir. Police Chief Supt. Mario dela Vega, aalamin nila kung bakit humantong sa sakitan ng mga pulis at raliyista ang mapayapang rally.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply