Karnaper todas sa engkuwentro sa Cavite

CAVITE- Dead on the spot ang isang most wanted dahil sa pagiging kilabot na karnaper sa lalawigang ito matapos makipagbarilan sa grupo ng pulisya na nakasukol sa kanila sa liblib na lugar ng Brgy. Fatima 2, Dasmariñas City kagabi.

Kinilala ni P/Supt. Ulysses Cruz, Sr., hepe ng pulisya sa lungsod na ito ang napatay na si Fermin Sabater, alyas Jayson Jarin, Fernando Sabater, Jr. at “Puruntong,” residente ng Brgy. Fatima 2, sa nasabing lungsod at kasama sa talaan ng Most Wanted ng Cavite.

Sa report ni Col. Cruz, dakong alas-8:30 ng gabi ay nagsasagawa ng Intel Monitoring ang Dasmarinas PNP kasama ang grupo ng PIB Cavite hinggil sa ulat na may isang Mitsubishi Montero (VFB 455) ang kinarnap  sa Mendez, Cavite at isang Yamaha Mio naman sa bayan ng Noveleta.

Dito nila namataan ang nawawalang motorsiklo na gamit ng suspek. Nauwi sa habulan ang tangkang pagsita sa suspek na nagtapos sa shootout.

Ayon sa pulisya, si Sabater ay may mahigit sa 20 kaso ng robbery holdup at carnapping sa lalawigan ng Cavite.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply