Karo ng patay pumatay

KIDAPAWAN CITY – Isang lalaki ang namatay at dalawa ang nasugatan matapos na araruhin ng karo ng patay ang mga sasakyang nakaparada sa harap ng isang palamigan sa Midsayap, North Cotabato dakong alas-2:30 kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang namatay na si Anthony Alameda at ang mga nasugatan na sina Godofredo Duterte at Ian Tizon, pawang mga residente ng Midsayap.

Ayon kay Midsayap Chief of Police Supt Franklin Anito, bigla na lang binangga ng isang Starex funeral car na pagmamay-ari ng Pampagueños Funeral Home Services ang mga nakaparadang motorsiklo at traysikad sa harap ng palamigan sa Quezon Avenue, Barangay Poblacion 5, Midsayap.

Tumakas agad ang driver ng karo na nakilalang si Ian Mercader at hinayaan nitong mahulog sa kanal ang funeral car malapit sa lugar ng disgrasya.

Isinugod ang mga sugatang biktima sa Midsayap Community Doctors Hospital ngunit idineklarang ng mga doktor si Alameda na dead on arrival.

‘Di kalaunan, Isinuko ng may-ari ng punerarya si Mercader na pinaniniwalaang lasing habang minamaneho nito ang caro.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply