Kasama ng pulis na nabaril sa Maynila sinalang sa paraffin test

UPANG mawala ang haka-hakang sangkot ang isang 33-anyos na ginang na kasama ng tauhan ng Manila Police District na umano’y akidenteng nabaril sa loob ng opisina ng Zero Obstruction sa Port Area, Manila, nagsagawa ng paraffin test ang opisina ng Scene of the Crime Operatives kaninang umaga.

Si Maria Fe Daus Y Estrellas, may-asawa ng Phase 1 Mulawin St., Francisco Homes, San Jose Del Monte Bulacan ay isinailalim na sa paraffin test upang makasiguro ang pulisya na walang foul play sapagkamatay ni SPO3 Hirro Hernandez,49-anyos, ng 15 Ambrosio Cruz St., Novaliches Quezon City at nakatalaga sa MPD-Traffic Enforcement Unit.

Bago umano ang nasabing insidente, ilang kalalakihan sa Claro M. Recto Avenue sa hilera ng mga nagbebenta ng ginto na sakop ng Binondo ang nagsasabing nagkaroon umano ng pag-aaway sa pagitan ng biktima at ng ginang dahil umano sa selos noong gabi ng Hulyo 16,

Gayunman, napag-alaman kay Daus na lasing at natutulog ang biktima nang umano’y pumutok ang kalibre .45 baril nito na nasa ilalim ng unan sa hinigaang sofa sa nasabign opisina.

Tinamaan sa bandang ibaba ng kaliwang tenga si SPO3 Hernandez na tumagos sa kanang itaas ng ulo.

Napag-alaman naman kay P/Supt. Reynaldo Nava, hepe ng MPD-TEU, na off duty noon si SPO3 Hernandez nang maganap ang naturang insidente.

Matatandaan na nagulantang ang buong kapulisan ng MPD-Traffic Enforcement Unit nang makarinig ng isang malakas na putok ng baril dakong 1:30 ng hapon kahapon sa loob ng Zero Obstruction Office sa compound ng MPD-TEU sa Port Area, Manila.

Mabilis na naisinugod sa Ospital ng Maynila si Hernandez, subalit binawian din ng buhay.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply