Kasambahay binaril ng riding in tandem, kritikal

HINOLDAP na binaril pa ang isang katulong nila Tac Padilla ng isa sa tatlong hindi pa kilalang mga holdaper sa Malabon City.

Inoobserbahan sa Manila Central University Hospital sanhi ng tama ng bala sa dibdib si Rowena Las Piñas, 43 ng Pascual st., San Agustin ng lungsod.

Base sa ulat, dakong alas-3 ng hapon, naglalakad ang biktima papuntang grocery upang mamili sa Pascual st., nang sumulpot ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo at mga naka-bonnet.

Tinutukan ng baril ang biktima bago kinuha ang P30,000 na pamili at nang makuha isa ang bumaril pa sa biktima.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek sakay ng isang motorsiklong hindi na nakuha ng plaka habang dinala naman ng mga amo sa MCU si Las Piñas.

Inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply