Kaso ng dengue lumobo – DOH

LUMOBO na sa 46,651 ang naitalang kaso ng dengue sa bansa at 294 sa mga ito ang kumpirmadong namatay simula Enero 1 hanggang Hulyo 7, 2012, ayon sa Department of Health (DOH).

Batay sa pinakahuling Disease Surveillance Report ng DOH, ito ay mas mataas ng 13.85 percent kumpara sa 40,975 dengue cases na naitala sa kahalintulad na petsa noong 2011 na may 269 na dengue deaths.

Ayon sa DOH, pinakamaraming kasong naitala sa National Capital Region (23.1% o 10,775 kaso na may 55 patay), Region III (15.06% o 7,024 kaso na may 13 patay) at Region IV-A (13.3% o 6,219 kaso na may 42 patay).

Sa NCR, nanguna sa pinakamaraming kaso ng dengue ang Quezon City (3,412), sumunod ang Maynila (1,840) at ang Caloocan City (1,257)

Karamihan sa mga nagkasakit ay mga lalaki (53%) at ang 40 porsiyento ng kabuuang kaso ay kabilang sa 1 to 10 years age group.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply