Kaso ng suicide lomobo sa nakalipas na 20 taon

LOMOBO ang bilang ng nagpapakamatay sa nakalipas na dalawangpung-taon base na rin sa naging pag-aaral ng National Statistics Office (NSO)  mula taong 1984 hanggang 2005 na kung saan  karamihan sa mga  nagpapakamatay  ay kabataang may edad 24-anyos pababa.

Napag-alaman mula rin sa pag-aaral mas maraming nagpapakamatay tuwing summer habang ang oras naman ng pagpapatiwakal ay ginagawa tuwing umaga habang ang karamihan sa mga miyembro ng pamilya ay umaaalis para magtrabaho o pumasok sa eskwela.

Ayon kay  Dr. Dinah Nadera, associate professor ng University of the Philippines UP Open University, mas malayo pa ang datos ng pagpapakamatay ng mga ilang indibidwal sa tunay na records na hawak ng NSO dahil madalas na hindi inilalagay sa death certificate ang suicide kungdi death under inquiry.

Sinang-ayuanan naman ito ng National Statistics Office dahil kung titignan   ang  time trend analysis kung pagbabasehan ang  death certificate mas mababa ang mga ito sa  tamang bilang ng mga nagpapakamatay.

Base sa pag-aaral hindi naman lahat ng nagpapatiwakal ay nakakaranas ng matinding depresyon dulot ng mga suliranin sa buhay kungdi iba’t iba din ang mga nagiging dahilan ng mga ito na nagtutulak upang kitlin ang kanilang buhay.

Dahil dito, pinaalala muli ni Nadera sa mga mayroong suicidal tendecy na indibidwal na maraming mga non government oraganization na grupo na pwedeng kausapin at handang magbigay ng payo para mabigyang linaw ang mga ito sa sinumang nagbabalak na wakasan ang kanilang buhay sanhi ng iba’t ibang suliranin na kinakaharap.

Samantala hinimok naman ni Nadera na bisitahin ang www.foundationawit.com na kung makikita ang guidelines na dapat gawin sakaling makapansin ng isang taong nagpapakita ng senyales na malapit na itong magptiwakal.

Lumabas sa pag-aaral ng Suicide First Aid Guidelines for the Philippines, kabilang sa senyales na makikita sa indibidwal na may suicidal tendency ito ay ang pagbabago ng mood at pagiging malungkutin.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply