Kasong plunder vs PCGMA, pagpapakita ng ‘dictatorship’

INAKUSAHAN ng abugado ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Aquino administration ng pagiging diktador o ginagawa ang lahat para hindi na makalabas pa ng kulungan ang kanyang kliyente.

Sa pahayag kaninang umaga, sinabi ni lawyer Ferdinand Topacio na ang pinakahuling plunder case laban kay Mrs. Arroyo sanhi ng umano’y maling paggamit ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) funds sa panahon na siya ang nakaupong pangulo ng bansa ay isinampa hindi dahil base sa merito kundi sa “sole purpose” para hindi ito makalabas ng kulungan para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

“Sadly, the Constitution is but selectively applied by the present government: swift exoneration for its allies, while strict and excruciating bending of the rules against its political opponents, is the order of the day. We are no longer in danger of dictatorship; it is now wholly upon us,” pahayag ni Topacio.

Wala pang komento ang Malacañang hinggil sa pahayag ni Topacio.

Si Mrs. Arroyo ay naka-hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City sanhi ng kasong  electoral sabotage noong 2007 midterm elections. Ang dating pangulo ay representante ngayon ng second district ng Pampanga sa House of Representatives.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply