Katayan ng manok sa Kyusi, dinemolis

DINEMOLIS ng awtoridad ang isang poultry slaughterhouse sa Kamuning wet market sa Quezon City sanhi ng maruming pasilidad.

Ininpeksyon ng mga opisyal ng Quezon City Veterinary Office ang nasabing katayan at kinumpiska ang 12 manok na kinakatay lamang sa sementadong sahig.

Sinabi ni Dr. Anna Cabel ng Quezon City Veterinary Office na ang mga manok ay kinakatay sa kontaminadong pasilidad.

“Siyempre kung ang lugar ay madumi, natural ‘yung hayop na kakatayin doon, contaminated na rin,” pahayag  ni Cabel.

Nadiskubre rin na ang kalapit na banyo ay tumutulo sa nasabing pasilidad.

Bukod pa rito, nadiskubre rin ng awtoridad na walang permiso ang slaughterhouse.

Gayunman, itinanggi naman ng mga caretaker ng slaughterhouse na kinakatay nila ang mga manok sa sahig.

Samantala, sinabi ng market’s management, na magtatayo ng bagong pasilidad sa nasabing palengke at tiniyak sa publiko na susunod ito sa mga health at veterinary regulations.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply