Kawalan ng trabaho lalala pa — ILO

PINANGANGAMBAHAN ng International Labor Organization (ILO) na mas lalala pa ang “skill mismatch” sa supply and demand ng mga trabaho sa hinaharap lalo pa’t inaasahang mas marami ang magiging populasyon ng matatanda kaysa sa kabataan sa mga susunod na dekada.

Base sa datos ng ILO, bagamat ilang bansa ang may malaking populasyon ng kabataan, sa kabuuan, mas marami na ang matatanda at maaaring patuloy itong lumaki hanggang sa taong 2050.

“In the longer run, that gap is expected to increase, despite forecasts showing the number of jobseekers swelling to 210 million by 2016,” sabi pa ni ILO skills expert Olga Strietska-Ilina.

Sa ngayon, may one third na ng employers ang nakararanas ng kahirapan sa pagpuno sa mga bakanteng posisyon sa kanilang kompanya dahil hindi sila makahanap ng karapat-dapat na gumanap sa tungkuling kanilang ibibigay ito ay kung pagbabasehan ang survey ng ManpowerGroup sa 41 bansa at mga teritoryo.

Ayon pa sa ILO, kailangan ding ma-improve ang pagpapabuti sa mga kakayahan ng bawat isa mapamatanda man o bata para matugunan ang mga kakailanganing trabaho lalo na sa hinaharap.

“On the whole, the world population is ageing. The proportion of the population aged 60 years and over will rise in the more developed regions from 22 per cent in 2010 to 33 per cent in 2050, and in the less developed regions from 9 per cent to 20 per cent,” ayon sa UN World Population Prospects.

Idinagdag pa ng ILO na mas magiging mahirap na matapatan ng mga kakayahan ng tao ang mga kakailanganing trabaho sa takdang panahon sapagkat babagsak ang working age population.

Bukod dito, mabilis na nagbabago at umuusad ang teknolohiya habang nagiging mas competitive ang mga umuusbong na merkado at tumataas ang pangangailangan ng iba’t ibang talent.

Kahit umano nasa panahon ng krisis at maraming taong may kakayahan na magtrabaho ang walang trabaho, nabibigo pa rin ang mga negosyante na makakuha ng kakailanganin nilang tauhan dahil sa mismatch.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply