Kawani ng korte na guilty sa dishonesty ‘di sinibak ng SC

SA HALIP na dismissal ay tatlong buwang suspension na lamang ang ipinataw ng Supreme Court en banc laban sa isang process server na napatunayang guilty sa kasong dishonesty na si Nicomedes dela Cruz, ng Metropolitan Trial Court (MTC) ng San Jose del Monte Bulacan.

Batay sa 9-pahinang SC en banc decision, binigyang kunsiderasyon ng korte si Nicomedes dela Cruz ng MTC ng San Jose del Monte Bulacan dahil sa 24 na taong serbisyo at kondisyon ng kalusugan.

Bagama’t kinatigan ng Office of the Court Administrator ang findings ng investigating judge na guilty sa kasong dishonesty si Dela Cruz na may katapat na parusang sibak sa trabaho, ibinaba na lamang ng SC sa kasong “simple neglect of duty” dahil wala naman daw naging pinsala sa mga partido sa kaso, ang naantalang pagsisilbi ni Dela Cruz ng legal notice sa party-litigants.

Batay sa record ng korte, inireklamo ni Judge Pelagia Dalmacio-Joaquin si Dela Cruz, makaraang maantala ng tatlong buwan ang pagsisilibi nito ng subpoena sa akusado sa kasong criminal.

Nagsinungaling din daw ang process server nang sabihin nitong wala na sa tinitirhan nito ang akusado dahil na-demolished na ang bahay nito.

Pero nang humarap sa pagdinig ang akusado sinabi nitong hindi siya umaalis sa kanyang dating tirahan at iyon ay pinatunayan din ng kabilang partido sa kaso dahil magkapitbahay lang pala sila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply