KAY Pnoy ang sisi sa kapalpakan ni Paje

SA isang ‘pamilya’, ang  pama-malakad ng isang  padre de pa-milya o tatay ang magdidikta kung saan kalye babagtas sina nanay, kuya, ate at si bunso.

Maaring sa  tuwid na daan o sa baluktot na kalsada mapadpad ang mga miyembro ng pamilya, pero depende ito sa pamama-lakad ni tatay.

Sa isang pamilya,  ang tatay  ay  kailangang  ‘matigas’ sa pag-papatupad ng mga tamang alintuntunin  sa bawat miyembro ng pamilya.

Ito’y upang masiguro na tama ang ginagawa ng mga ito at ma-siguro na tinatahak  nila ang mga alintuntunin ng  maayos na pa-milya.

Dahil kapag maayos ang pa-milya, tiyak na walang  problema.  At si tatay, bida sa paningin ng  lahat. Imbes na bira, puri ang matatanggap ngs tatay.

Ang pamilya ay katulad din  ng gobyerno na kapag  ‘di magmatigas ang Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang pamamalakad, aba’y walang mangyayari sa Pinas.

Ibig ba nating pakahulugan, eh, kailangang kumilos ang Pangulo para linisin ang kanyang ‘pamilya’ o gabinete sa mga  opisyal na nag-

papasakit lamang ng kanyang ulo.

Isang halimbawa ay si Sec. Ramon Paje na imbes na  maging ‘asset’ ay problema siya ng gob-yerno dahil sa mga ginagawang kapalpakan.

Kung bakit palpak? Aba’y mismong ang mga bumubuo  ng

Commission on Appointments ay ayaw siyang ikumpirma. Gets  n’yo?

May mga dahilan ang CA kung bakit ayaw siyang i-confirm  para maging kalihim ng  Department of  Environment and Natural Resour-ces.

Malaki kasi ang ginagampanan ng isang DENR secretary dahil sa kanya nakataya ang ikabubuti at ikasasama ng kalikasan.

Eh mula kasi noong umupo si

Paje sa DENR dalawang taon na ang nakararaan,  walang maganda itong naipakita, bagkus puro ka-lokohan ang nangyayari sa ahensyang ito.

Sa maraming aspirants para maging DENR chief, siya ang napili ni PNoy dahil  sa tiwalang  maiaayos  nito ang sumasamang imahe ng ahensya.

Pero, tila nagkamali si PNoy dahil ang  kanyang inasahan kay Paje ay walang nangyari, bagkus kahihiyan lamang ang ibinigay nito sa PNoy administration.

Dahil sa kanyang kapalpakan, ang Pangulong Aquino ang na-sisisi. Kaya suhestiyon natin kay PNoy, huwag niyang beybihin si Paje, tanggalin na niya ito bilang DENR secretary.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply