Kaya natapilok sa concert: Sarah imbiyerna sa no appearance ng kanyang ‘Babe’

ALAM naman natin na every concert ni Sarah Geronimo ay ibinibigay talaga niya ang kanyang best. Kaya nga hindi siya pinagsasawaan ng kanyang manonood ay dahil ang husay-husay niyang performer. Sa first part ng kanyang 24 S/G Concert sa Smart-Araneta Coliseum ay mas lalong na-impress ang Big Dome audience dahil mas gumaling pa lalo ang Pop Star Princess sa kanyang performance. Well, dahil po ‘yan sa kanyang Babe na si Gerald Anderson. Na diumano ay napakiusapan ng mga taga-Viva Entertainment na magpunta sa concert para maging happy at inspirado si Sarah.

Kung si Gerald lang daw kasi ang masusunod ay ayaw na niyang magpakita pa sa Araneta. Dahil, ang sabi hindi raw feel ng young actor na makita si Mommy Divine na biglang nagbago raw ang pakikitungo sa kanya since malaman nito na very much close na sila ni Sarah.

Kaya nang muling tumawag daw kay Gerald ang Viva para mag-go sa repeat ng concert ng kanyang Babe na singer-actress ay nag-beg off na ito para wala na lang gulo.

Libre ng mga oras na ‘yun ang actor at nasa bahay lang siya. Hayan tuloy, dahil sa no-appearance mo Papa Gerald, natapilok tuloy at na-off balance si Sarah mo at muntik-muntikan pang matamaan ng props sa concert na pyrotechnics.

Heto pa, how true? Hindi raw galing sa puso ni Mommy Divine ang pagpayag sa guesting ni Gerald last Sunday sa birthday presentation ng daughter sa sariling show nito sa Kapamilya network na Sarah G. Live! For sure, itatanggi na naman ni Mommy Divine ang nasabing issue. Naku! Naman Mommy, umibig ka rin kay Mang Delfin at na-enjoy mo naman ito. Sana this time, palayain mo na si Sarah at hayaan mo naman siyang lumigaya sa piling ni Gerald o sa sino mang lalaking magmamahal sa kanya. Be considerate naman gyud!

***

Star for all Seasons Vilma Santos sobrang touched sa tribute ng ASAP, SIR at The Buzz

IN HER 50 years in showbiz at sa hindi matatawarang mga achievements, deserved naman talaga ni Batangas Gov. Vilma Santos na pahalagaan siya ng industriya. Pero hindi naman ini-expect ni Ate Vi na ganoon kaganda ang tribute na handog sa kanya ng tatlong top-rating programs sa ABS-CBN 2 na ASAP, Showbiz Inside Report at The Buzz kung saan halos buong oras ng mga nabanggit na programa ay ibinigay sa kanya. At lahat ng show ay present ang mga minamahal na niyang mga Vilmanians at dalawa sa aming namataan ni my BFFT Pete A sa The Buzz ay sina Jojo Lim at kababayan ko sa GenSan na si kapatid na Willie Fernandez.

Sa nasabing pa-tribute kay Ate Vi, ipinakita sa ASAP ang mga old pictures at movies ng aktres at ginaya pa ang mga memorable performances ng sikat na actress-politician sa movie nila ng dating kalabtim na si Edgar Mortiz na My Pledge of Love, ganoon na rin ang Kampanerang Kuba, Darna etc. Pati ‘yung hit song ni Gov. Vi na Sweet Sixteen ay kinanta ng mga Kapamilya bagets stars. Ngayon pa lang, dahil sa all-out support kay Ate Vi ng ABS-CBN tiyak na gagawa pa ng more projects ang actress sa kanila, kung saan ang The Healing ay hahataw na starting today (July 25) in more than 140 theaters nationwide. The suspense/horror flick directed by no other than the highly competent Chito S. Rono under Star Cinema.

Kasama ring mananakot rito sina Kim Chiu, Janice de Belen, Pokwang, Martin Escudero, Mark Gil, Carmi Martin, Daria Ramirez, Joel Torre and a lot more. Idinaos pala kagabi ang very successful na red carpet premiere ng The Healing sa Edsa Shangrila Cinema.

Three years na ang nakalilipas ng huling napanood ang star for all seasons kaya’t marami ang sabik na muli si- yang mapanood sa big screen. Nangangamoy blockbuster gyud!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply