Kaya rin ng Navy ang disaster response

NABANGGIT ko rati na ang banta ng climate change at environmental degradation ang dalawa sa mga pinakamapanganib na banta sa ating pambansang seguridad.

Delikado ang mga ito dahil ang hagupit ng inang kalikasan ay imposibleng labanan ng tao at maari lamang itong harapin at pagdusahan dahil wala naman talaga tayong laban sa galit ng kalikasan.

Dahil bansang pandagat ta-yo na binubuo ng napakaraming mga isla at nalulugar sa gitna ng mga pangunahing karagatan sa mundo, nagkaroon ng karagdagang halaga ang Pilipinas bilang isang pangunahing bansang pandagat.

Pero nangangahulugan din ito na ang mga bantang pangkalikasan ang magdaragdag pa sa mga panganib na ating kinahaharap.

Kaya’t dapat makita at maunawaan ang kahalagahan ng pagpapalakas at pagpapalawig ng ating kakayahang harapin ang mga panganib na nagmumula sa karagatan.

Mahalaga ito dahil kaya rin naman nating harapin nang buong lakas ang kanyang pananalanta, kasabay ng mga hakbang na dapat nating tahakin, upang mabawasan ang epekto at paglala ng mga bantang ito.

Noon pa man, ang Philippine Navy ay nag-organisa at nagsanay na ng mga disaster response team (DRT) sa iba’t ibang mga unit nito sa buong bansa.

Ang mga DRT ay may angking kakayanan na magresponde gamit ang mga handang kagamitan para sa mga sakuna sa dagat o lupa man. Kasabay nito ay may naitatag na proseso na ang Navy na layong isaayos ang kahandaan at epektibong paglulunsad ng rescue at relief operations at limitadong rehabilitation sa mga apektadong lugar.

Idinaos noong Hulyo 9, 2012 ng Naval Education and Training Command (NETC) sa Zambales, ang NETC DRO Challenge upang mapabuti pa ang kakayahan ng NETC sa DRO lalo na sa panahon ng tag-ulan.

Matatandaang ang Zambales ang isa sa pinakamalimit na masagasaan ng bagyo at malimit pa itong binabaha kung kaya’t minabuti ng NETC na sanayin ang kanyang mga tauhan sa DRO. Galing naman!

Sana’y maging epektibo pa ang kakayanan ng NETC ‘di lamang sa training ng mga tauhan ng Navy kundi maging sa DRO rin.

Kaya’t, mga kasama, nana-nawagan ako ulit sa lahat na ituloy ang suporta para sa malakas at kredableng Navy tungo sa masagana at mapayapang bansa. Kaya natin yan, Pinoy!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply