Kaysa magpa-chorva sa iba: Mahusay na aktres calling galore na lang sa mapagbigay na ex

FOR the second time around ay muling nag-fail ang lovelife ng maganda at mahusay na aktres na ang acting ay maikukumpara kay Nora Aunor. Sabi pa ni actress, sayang naman daw ang time niya kung ipagpapatuloy niya ang pakikipag-relasyon sa naka live-in na band member ng ilang taon kung wala rin namang patutunguhan ang relationship nila.

Aminado si comebacking actress na nakikipag-date siya ngayon pero this time sa non-showbiz guy. At nang kumustahin sa kanya ang ex na Papang hunk model-actor na ama ng kanyang dalawang anak at kung posible pang magkabalikan sila nito in the future, ang talkies ni actress hindi na rin siguro siya makikipagbalikan dito.

She tried naman daw na maging okey sila pero it didn’t work out.

Well, ‘yan ang sabi ni nabanggit na actress na may bagong teleserye sa malaking TV network. Pero ang hindi nito naikuwento, kapag malamig ang gabi kaysa sa ibang guy siya mangalabit ay calling galore na lang niya ang kanyang ex na super Papable at Papalicious pa rin hanggan ngayon at balbon pa ang body. Of course, hindi lang liberated si actress kundi practical pa. Very bright idea gyud!

***

Signature song ni Claire Dela Fuente na ‘Sayang’ binuhay at pinasikat ng Kapamilya network

DURING late 70’s ay sikat na sikat ang Sayang na signature song ni Ms. Claire dela Fuente. At noong mga panahon na ‘yun hanggang late 80’s ay walang hindi nakakaalam sa nasabing hit song ng enduring singer. Kaya naman isa kami sa natuwa nang marinig namin uli sa ere ang Sayang ng Viva Recording Artist/Businesswoman na may bagong version sung by Divine Diva Zsa Zsa Padilla at theme song ngayon ng isa sa top-rating teleserye ng ABS-CBN 2 na “Kahit Puso’y Masugatan.”

Nang makarating ito kay Claire, happy ang singer dahil sa dinami-rami ng mga kantang puwedeng pagpilian para maging theme song ng nabanggit na teleserye ay ‘yung Sayang niya ang napili ng business unit head nito na si Sir Deo Endrinal. Actually, naibalita pala ni Claire sa aming dalawa ng BFFT kong si Pete A na may offer sa kanya ang Dos para gumanap na supporting sa isa sa mga teleserye nila. ‘Yun nga lang, parang hindi pa ready si Clara na balikan ang pag-arte na nagawa niya na noon sa classic movie “Moral” na obra ni Direk Marilou Diaz-Abaya.

Another thing, masyado itong busy sa pagma-manage ng kanyang parami nang paraming talents kabilang ang mga sikat ng alagang sina Sam Pinto at Bela Padilla, at ang unti-unti na ring napapansing sina Meg Imperial, Maffy Soler at ang bini-build-up ngayon ng Viva Films bilang sexy actress na si Yam Concepcion.

***

National Press Club ni Sir Benny Antiporda, suportado na namin noon pa

SUPORTADO rin namin ni Amigang Pete at Abe Paulite ang National Press Club (NPC) kung saan pare-pareho kaming mga member rito.

Mula pa noong unang upo ni Sir Benny Antiporda hanggang maging pangulo ng NPC si Sir Jerry at balik uli sa pagiging presidente si Papa Benny, nandiyan na kami para sa nasabing lehitimong media group na ito na kinilala ng malalaking tao sa lipunan kabilang na ang mga naging Pangulo ng ating bansa.

Sino ba naman kasi ang hindi magmamahal sa National Press Club lalo na’t ang dalawang mababait naming bossing-friends ang may hawak nito na hindi lang nagbibigay benepisyo sa edukasyon ng mga naulila ng mga pinaslang nating kasamahan sa media kundi nagkakaloob pa ng murang housing loan sa Bulacan para sa mga miyembro nila? Hindi lang ‘yan, napakarami pang magaganda at kapaki-pakinabang na proyekto ang NPC. Isa pa, hindi sila kurakot! Saludo kami sa inyo sir Benny at boss Jerry. Klap klap klap, gyud!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply