Kelot arestado sa pag-utas sa sariling ama

KINASUHAN ng parricide ang isang lalaki na pumatay sa kanyang sariling ama makaraang sumuko sa Ilocos Norte, sa ulat ng g pulisya.

Sa naantalang ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente Martes ng gabi nang umuwing lasing na lasing ang biktima at nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo ng kanyang anak .

Sa ulat ay kinilala ang nasawing biktima na si Pacifico Sudio , 63, ng Barangay Daquiaog, habang ang suspek ay si Jojo Sudio.

Lumalabas na matulis na kahoy ang ginamit ng suspek upang saksakin ang kanyang ama sa loob mismo ng kanilang tahanan.

Sa pahayag ng suspek, ipinagtanggol lamang niya ang kanyang sarili nang simulan siyang pagpapaluin ng biktima sa ulo gamit ang isang pirasong kahoy din.

Nang tamaan aniya siya sa ulo ay napilitan na siyang lumaban at napatay ang sariling ama.

Agad namang sumuko ang suspek matapos ang insidente.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply