Kelot arestado sa panghahalay ng dalagitang kapitbahay

KULONG ang isang binata matapos tutukan ng patalim at halayin ang kapitbahay na dalagita sa loob ng bahay ng una sa Caloocan City Linggo ng madaling araw.

Nahaharap sa kasong rape in relation to child abuse si Jeysei Bernales, 19 ng Torcillo st., Dagat-dagatan ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-2 ng madaling araw, naglalakad ang biktimang edad 17 sa Torcillo st., nang tutukan ng patalim ng suspek at hatakin sa loob ng bahay nila Bernales.

Hindi nakapalag ang biktima dahil sa nakatutok na patalim hanggang sa mahalay ang dalagita.

Hinatak ng suspek ang biktima sa loob ng bahay ng una at doon ay nagawang mahalay.

Nang makaraos ay pinauwi na ang dalaga subalit kahapon ng hapon ay nagsumbong ang biktima sa kanyang lola na naging dahilan upang damputin si Bernales.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply