Kelot binaril, tepok sa Maguindanao

INATASAN na ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang Philippine NationalPolice (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na paigtingin at palakasin ang pagbibigay ng seguridad sa mamamayan kaugnay sa nagaganap na registration sa Autonomous Region For Muslim Mindanao (ARMM).

Ang kautusan ng Pangulo ay kaugnay sa pagkakapaslang sa isang 25 anyosna lalaki matapos itong barilin sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Kinilala ang biktima na si Abdul Basit residente ng Sitio Tukananes, barangay Poblacion 7 Cotabato City.

Nabatid na galing sa pagpaparehistro ang biktima at pauwi na ng lungsod sakay ng 6 wheeler trak nang ito ay barilin ng di pa kilalang suspect na sakay din ng naturang truck.

Ang biktima ay namatay pagsapit sa ospital dahil sa dalawang tama ng bala sa katawan.

Inaalam na rin ng awtoridad ang tunay na motibo ng pamamaslang sa biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply