Kelot binoga ng kapitbahay dahil naingayan sa videoke

DAHIL naingayan sa ikinasang videoke, isang electrician ang pinagbabaril ng kanyang kapitbahay sa Batangas Linggo madaling araw.

Dead on arrival  ang biktimang si Joselito Labang sa Lawaan Tres, Talisay sa Talisay District Hospital sanhi ng dalawang tama ng bala sa binti, isa sa tiyan, sa kaliwang bahagi ng mukha at isa sa dibdib.

Hinahanting na ngayon ng Talisay Police Office upang panagutin sa krimen ang suspek na isang nagngangalang Ponie, kapitbahay ng biktima.

Sa ulat sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas 12 :15 ng madaling araw sa loob mismo ng bahay ng biktima.

Ayon sa anak ng biktima na si Jacob, 21-anyos, bago ang pamamaril ay nagpa-inom at nagpa-videoke sa kanila ang kanyang tatay dahil kasasahod pa lamang nito.

Pero nang maghating gabi na, pumunta ang suspect sa bahay ng biktima at pinakiusapan itong hinaan ang volume ng kanilang viodeoke dahil hindi siya makatulog.

Hindi naman pumayag ang biktima na matuldukan ang kanilang pagsasaya kaya sa puntong ito ay nagalit  ang suspek at ito ay pinagsusuntok hanggang sa pagbabarilin pa ito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply