Kelot binoga ng siga, todas

KAMATAYAN ang inabot ng isang 29-anyos na lalaki nang barilin ng isang siga sa kanilang lugar na kanyang inawat sa panggugulo kaninang madaling araw sa Paco, Maynila.

Namatay habang ginagamot sa Sta. Ana Hospital ang biktima na si Jhenson Mallari, 29 at taga-Interior 26 Bo. Sta.Maria St., Paco, Maynila.

Pinaghahanap naman ng awtoridad ang suspek na si Macky Reyes, residente ng nasabing lugar.

Sa report ni PO3 Rodel Benitez ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong ala-1:00 ng madaling araw sa kahabaan ng nasabign lugar.

Nauna rito,nakikipag-inuman umano ang biktima sa kanyang kaibigan nang dumating ang suspek na lasing at nagsimulang gumawa ng gulo.

Kinausap umano ng biktima ang suspek na magpahinga na lamang ito dahil wala naman itong kaaway sa kanilang grupo.

Sa kabila ng pakiusap ng biktima ay nagpatuloy pa rin ang suspek sa pagsigaw kaya napilitan ang grupo ng biktima na ihinto na ang kanilang inuman para malkaiwas sa gulong ginagawa ng suspek.

Ipinasiya ng biktima na umuwi na lamang pero laking gulat nito nang harangin siya ng suspek at barilin.

Pagkabagsak ng biktima sa lupa ay mabilis na tumakas ang ang suspek patungo sa hindi malamang direksyon.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply