Kelot binoga sa Tondo, todas

NAMATAY ang isang lalaki makaraang barilin sa ulo sa may riles ng tren sa Hermosa Street, Tondo, Maynila.

Ayon kay Mang Amador, ama ng biktimang si Ramil Erespe, 27, may hinala sila na ang kabarkada rin ng kanyang anak na isang umanong tulak ng droga ang siyang responsable sa pamamaril.

Nakuha naman sa pinangyarihan ang isang basyo ng bala habang hindi naman mahagilap ang suspek na hindi pa pinangalanan.

Base pa sa report, nakulong na noon sa Manila Police District (MPD) Station 7 ang biktima sa kaso ng iligal na droga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply