Kelot itinumba ng riding-in-tandem sa Caloocan

TODAS ang isang lalaki makarang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa kanto ng Riza Ave. ext. Caloocan City kagabi (Hulyo 18).

Dead on spot si Jevee Bayangan, 33, ng 843 Guro de Oro, Quiapo Maynila, sanhi ng pitong tama ng kalibre 45 sa katawan, dibdib at dalawa sa tiyan.

Nadakip naman ang suspek na si Jayser Tenorio, 33, may-asawa, ng Brgy. Obrero Manila habang nakalalaya pa ang kasamahan nito.

Base sa imbestigasyon nina P02 Edgar Manapat ng Station Investigation Division (SID) ng Caloocan police, dakong alas-7:45 kagabi nang maganap ang insidente sa 2nd St., kanto ng Rizal Ave., ng nasabing lungsod.

Sakay si Banyagan ng hindi pa batid na sasakyan patungong Maynila at pagsapit sa lugar biglang dinikitan ng mga suspek ang biktima at sunod-sunod na binaril hanggang sa mamatay.

Natunton naman ng mga awtoridad ang suspek na si Tenorio matapos ipagbigay-alam ng saksi na nakakuha sa plaka ng motorsiklong ginamit ng mga suspek sa pagtakas.

Sa isinagawang follow-up operation ng awtoridad natunton ang nasabing gate-away motorsiklo (plakang 2106-TE) na tinakpan pa ng kumot sa compound ng bahay ni Tenorio.

Nakarekober din ang mga awotidad ng anim na basyo ng kalibre .45 na ginamit sa krimen.

Kinukumpirma pa kung may kaugnayan sa droga o personal na away ang motibo sa pagpatay sa biktima.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply