Kelot kulong sa pagnanakaw

SHOOT sa kulungan ang isang lalaki matapos pagnakawan ang Our Lourdes College sa Gen. T. De Leon sa Caloocan City.

Kinilala ang suspek na si Fernando Santos, nasa hustong gulang ng Libis, Caloocan City.

Batay sa ulat, dakong alas-4 ng hapon kahapon nang pumasok ang suspek sa at kinuha ang component ng paaralan na nagkakahalaga ng P4,000 at nang tatakas na ay nakita ng guwardiya ng eskuwelahan.

Binitbit si Santos sa presinto at dito nabatid na ang suspek din ang tumangay sa water pump ng katabing water station ng eskuwelahan na nagkakahalaga naman ng P3,000.

Samantala, dakip ang isang binata habang nakatakas ang kasama nito nang holdapin ang dalagang naglalakad sa Caloocan City kagabi (Hulyo 17).

Nakilala ang suspek na si Charlie Salinas, 24, ng B. Serrano St., ng lungsod habang nakatakas ang hindi pa kilalang kasamahan ng una.

Sa ulat, dakong alas-11 ng gabi, naglalakad ang biktimang si Bea Paras, 28 sa Rizal Avenue Ext., ng lungsod nang sabayan at tutukan ng kutsilyo ng mga suspek.

Kinuha ng mga suspek ang cellphone ng biktima bago tumakas habang nakahingi ng tulong sa mga pulis ang biktima.

Nagawang maabutan ng mga pulis si Salinas at nabawi ang cellphone ng dalaga habang nakapuga ang kasama nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply