Kelot nahagip ng taxi, dedo sa España, Manila

PATAY ang isang lalaki matapos mahagip ng taxi habang tumatawid sa may España-Blumentritt kanina.

Ayon sa drayber ng taxi na si Reynaldo Castelo, nahagip niya ang biktima na si Ricardo Palomar dahil mayroon siyang iniiwasan na tatlo pang patawid sa kalye.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide ang taxi driver.

Ang naturang lugar ay mayroong pedestrian overpass ngunit hindi ginamit ni Palomar at nang iba pang tumatawid.

Dahil sa pangyayari, muling nagpaalala ang Manila Police District (MPD) Traffic Bureau, na gamitin ang overpass para maiwasan ang aksidente sa pagtawid.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply