Kelot natagpuang patay sa banyo

SA PALIKURAN na inabot ng kamatayan ang isang 53-anyos na lalaki matapos na umano’y atekihin sa puso kaninang madaling araw sa Sampaloc, Maynila.

Kinilala ni PO3 Rodel Benitez, ng Manila Police District-Homicide Section ang biktima na si Ranulfo M. Austria, stay-in sa Room 307 Atlantica Star Condominium, sa panulukan ng Dapitan at Navarra sts., Sampaloc, tubong San Joaquin, Sto. Tomas, Batangas.

Alas-tres ng madaling araw naman ng matagpuang wala nang buhay ang biktima sa loob ng banyo ng kanyang alagang estudyante at ama nitong si Silverio Roy.

Nabatid na kinuha ni Silverio Roy ang serbisyo ng bikima para samahan ang anak na si Juan Paolo na nangungupahan sa Sampaloc, habang sila ay nasa lalawigan.

Sa imbestiagsyon, umuwi si Juan Paolo kahapon sa kanyang condo ngunit hindi ito makapasok kaya tinatawagan niya ang biktima ngunit hindi rin sumasagot sa kanyang cellphone.

Kinatok din ng estudyante ang pinto ng kanilang unit ngunit wala pa ring nagbubukas kaya tinawagan niya ang ama na nasa Batangas pa noong mga oras na iyon upang madala ang duplicate key at mabuksan ang condo.

Nang dumating kaninang madaling araw ang ama ni Juan Paolo ay doon lamang nila nadiskubre na patay na ang biktima habang nakaupo sa toilet bowl.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply