Kelot niratrat, tigbak sa Tondo, Maynila

PATAY ang isang 22-anyos na lalaki na hinihinalang miyembro ng gang matapos pagbabarilin malapit sa kanyang bahay sa Tondo, Maynila kaninang madaling araw.

Dead on arrival sa Gat Andres Bonifacio Medical Center ang biktima na si Rolando Pulongbarit, may live-in partner at taga-Osmena St., Tondo, sanhi ng dalawang tama ng bala sa ulo at sa katawan.

Patuloy naman ang pangangalap ng mga testigo, upang malaman ang mga pagkakakilanlan sa mga suspek na aabot sa siyam na katao, na pinaniniwalaang miyembro ng gang na kalaban ng grupo ng biktima, na tumakas matapos isagawa ang krimen.

Base sa ulat na isinumite ni Det. Glenzor Vallejo, kay P/Sr.Insp. Joselito de Ocampo, hepe ng Manila Police District (MPD)-Crime Against Persons Investigation Section, dakong 2:00 ng madaling araw nang maganap ang nasabing pamamaril sa panulukan ng Osmena at Dandan sts.,sa Tondo.

Isang nagngangalang Rainer, 18-anyos ang nagbigay ng salaysay sa pulisya na umano’y naglalakad siya sa nasabing lugar nang dumaan ang mga suspek na palinga-linga na tila may hinahanap subalit nang hindi makita ay nagpasiyang munang tumambay.

Ilang sandali pa nang lumabas ang biktima sa kanilang bahay ay agad siyang nilapitan ng dalawa sa suspek at tinutukan ng baril. Lumapit pa ang dalawa na siyang bumaril sa biktima.

Pagkatapos ng pamamaril ay nagkanya-kanya ng takbo ang mga suspek at naiwang walang malay ang biktima.

Naisugod pa ang biktima sa nasabing pagamutan ngunit hindi na ito umabot ng buhay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply