Kelot sinaksak, kritikal

AGAW– buhay si Angelito Velasco matapos saksakin ng icepick ng isang lalaki kaninang madaling araw sa loob ng kanyang bahay sa Don Pedro Subd. Marulas, Valenzuela City.

Si Velasco, 48, binata,  ng 39, Pacincia St., Don Pedero Subd. Marulas SA Fatima Medical Center  sanhi ng maraming saksak ng icepick sa ibat ibang bahagi ng katawan.

Naaresto at naharap sa kasong fraustrated murder ang suspek na si Alvin Laguitan 33, ng Arty Subdivision Brgy. Karuhatan Valenzuela City.

Base sa imbestigasyon ni P03 Josifino Magtama, ng Station Investigation Division  (SID) ng Valenzuela police, dakong alas 12:10 ng madaling araw ng maganap ang insidente sa nasabing lugar.

Base sa pahayag ng saksing si Jamaica Bolante live-in partner ng biktima  pumasok sa bahay si Alvin at hinahanap ang kanyang partner na  si Angelito dahil may itatanong lang daw importante

Pero lingid sa kanilang kalaman ay may lihim  na balakin ang huli matapos kanyang kamayan pa ang biktima at ilang saglit agad nagbunot ng icepick  at sunod-sunod  na itong  inundayan ng saksak sa katawan.

Inaalam ng imbestigador ang motibong pinagbintangan ng suspek ang bikitima na siya ang nagnguso sa pulisya sa mga illegal na droga kaya siya ay pinagsasaksak ng suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply