Kelot sinalpok ng truck, patay

TODAS ang isang mister matapos mabundol ang kinalulunanan nitong  motorsiklo ng isang rumaragasang Elf truck sa kahabaan ng C-3 road Caloocan City Linggo ng gabi July 1.

Dead on spot sa pinangyarihan si Alejandro Hipolito y. Amparo, 28, ng 1382, Sawata Maypajo ng nasabing lungsod.

Kusa namang sumuko sa mga awtoridad ang killer driver na si Jun Jun Columna  25 ng 3 Ilagan St. San Francisco Del Monte Quezon City.

Sa ulat ni Sr. Insp. Gaylord P. Tamayo , hepe ng Station Traffic Unit ng Caloocan, dakong alas 8:00 ng gabi ng maganap ang aksidente sa kahabaan ng C-3 road sa nasabing lungsod.

Kasalukuyang tinatahak ng Elf Truck na may plakang RDX-896 na minamaneho ni Junjun sa nasabing lugar at hindi nito napansin ang kasalubong na  Honda motorsiklo na may plakang 8864 UD na kinalulunanan ng nasawi.

Sasampahan ng kasong  reckless imprudence resulting to homicide ang suspek sa piskalya ng Caloocan City .

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply