Kelot tinodas sa harap ng utol

PATAY ang isang 29-anyos na binata nang undayan ng sunod-sunod na saksak ng hindi nakilalang salarin habang naglalakad ang una kasama ang kapatid at kaibigan nito sa Makati City, kaninang madaling araw.

Dead on arrival sa Ospital ng Makati ang biktimang si Eugene Culanculan, 29, tubong Negros Oriental matapos magtamo ng tama ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa inisyal na report ng pulisya, naglalakad pauwi ang biktima kasama ang kapatid na si Edmund Culanculan at kaibigang si Alejo Bajar sa Sampaguita St., Barangay Pembo dakong alas-12:40 ng madaling araw nang biglang sumulpot ang hindi pa kilalang salarin at inundayan ng sunod-sunod na saksak ang biktima.

Wala umanong makitang dahilan ang kapatid at kaibigan ng nasawi sa ginawang pag-atake ng nag-iisang salarin na mabilis na nakatakas bitbit ang ginamit na patalim.

Pansamantalang inilagak ang bangkay ng biktima sa Funeraria Pilipinas upang isailalim sa awtopsiya habang inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pamamaslang.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply