Kelot todas sa dating nakaalitan

PATAY ang 35-anyos na lalaki nang barilin ng malapitan ng dating nakaalitan sa harap mismo ng bahay ng biktima sa Taguig City.

Dead on arrival sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang si Edcil Moreno, residente ng 448 Camachile St., Barangay Western sanhi ng tinamong tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa dibdib.

Mabilis namang tumakas ang suspek na nakilalang si Emmanuel Morteja, alyas Baby Block, residente rin sa naturang barangay makaraan ang pamamaslang.

Sa pahayag ng kapatid ng biktima na si Lucilyn Moreno kay PO2 Roger Aquilesca ng Investigation Division ng Taguig Police, nasa loob siya ng kanilang tirahan nang makarinig siya ng putok ng baril habang nasa ka-sagsagan ng malakas na ulan.

Sinabi ni Lucilyn kaagad siyang lumabas at nakita ang patakas ng suspek na armado ng baril habang duguan nang nakahandusay ang kanyang kapatid.

Lumabas sa imbestigasyon na may matagal ng alitan ang suspek at ang biktima posibleng naging motibo nang pamamaslang.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply