Kelot todas sa pamamaril sa Kyusi

PATAY ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang suspek sa ilalim ng tulay ng Tandang Sora, Quezon City, kagabi (Hulyo 18).

Kinilala ang biktima na si Raymond Bacalanco, ng 4th St. Area 4 Veterans Village, Brgy. Pasong Tamo, QC na namatay noon din dahil sa tinamong tama ng bala ng baril sa kanyang katawan.

Si Bacalanco ay nakilala dahil sa kanyang drivers license na nakuha sa kanyang wallet.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District Station 3 Talipapa, naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng gabi kagabi sa ilalim ng tulay ng Tandang Sora sa Commonwealth Avenue, QC.

Sa ulat, kumakain ng ballot ang biktima sa lugar nang biglang dumating ang dalawang suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima.

Matapos masigurong patay na ang biktima ay agad na tumakas ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply