Kho mabubura sa Masbate at asal ni Vice Duterte

SILAKBO ng damdamin ang nagbunsod kay Vice Mayor Rodrigo Duterte kaya pinakain nito ng “papel” ang isang iligalista sa Davao City.

Bugso rin ng damdamin ang dahilan noon ng anak nitong si Davao City Mayor Sarah Duterte kaya niya pinagsasapak ang isang court sheriff.

Marahil ay “outburst of emotion” naman ng tinaguriang “death squad” ang justification ni Duterte kung bakit pinagpapatay noon sa Davao City ang mga pinaghihinalaang sangkot sa iligal na droga. He, he, he!

Sa totoo lang, hanga tayo sa mga Duterte dahil “lalaki” ika nga kung manindigan sila laban sa katarantaduhan!

Lokohin ba naman ng pekeng land titles ang mahihirap?

Wawasakin mo nga naman ng ura-urada ang tahanan ng mga kawawang iskwater?  At kakalatan mo ba naman ng droga ang kapaligiran?

Tangna, parekoy, gago lang at siraulo ang hindi magagalit sa mga katarantaduhang ito!

Pero dapat tandaan nina Duterte na ang kanilang kinukondena ay mga gawaing mali!

Na ang “mali” ay hindi maitutuwid sa pamamagitan ng isa pang kamalian!

Kaya nararapat nga lang na imbestigahan ito ng CHR!

-o0o-

MULA sa pagiging powerful politician, inaasahan na, pare-koy, na sa 2013 ay mabubura sa pulitika ang pangalan ni Masbate 2nd Dist. Rep. Antonio “Tony” Kho! Noong 2010 ay natalo na ang kanyang maybahay na si dating Masbate Gov. Olga Kho, at kaya lang naka-survive si Tony Kho sa pagiging Congressman ay dahil hindi siya iniwanan ni Masbate City Mayor Socrates “Ates” Tuason.

Kahit pa nga sariling kapatid ni Tuason ang kalaban ni Kho sa pagkakongresista sa 2nd District ng Masbate.

Months ago, pumorma si Tuason laban kay Gov. Dayan Lanete ngunit agad humarang si Tony Kho dahil siya raw ang tatakbong Gov.

Pumorma naman si Tuason pagkakongresista sa 2nd Dist. pero ayaw na naman ni Kho dahil siya na lang daw dahil si “Olga niya” ang tatakbong gobernador uli.

Kalat na sa Masbate na ang pagiging “sakim” sa poder at kawalang utang na loob ang tatapos kay Kho!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply