Kiko pinuri ang BOC sa galing vs smuggling

MAGING si Sen. Kiko Pangilinan ay bumilib sa sipag at galing ni Bureau of Customs(BOC) Comm. Ruffy Biazon na hindi na kailangan pang magbuhat ng sariling bangko para lang mapansin ang mga accomplishment sa kanyang kagawaran.

Aba’y puring-puri ni Sen. Kiko si Biazon sa ipinamalas niya sa kagawaran na kung saan ay napatigil niya ang smuggling activities gaya ng illegal importation ng sako-sakong bigas sa BOC. Ilang commodity na ito na sinasamantala ng rice smugglers dahil sa may malaki itong epekto sa ating ekonomiya, pulitikal at panlipunang sitwasyon ng bansa.

Ang sabi nga ni Sen. Pangilinan, dahil sa galing at sipag ni Biazon ay naigiya niya sa tuwid na landas ang BOC sa pamamagitan ng pagsugpo sa rice smuggling. Magiging masigla na uli ang kabuhayan ng ating mga magsasaka.

Ang isa sa mga halimbawa na lang nito ay nang nasabat ng TF-REACT ni Biazon ang 90 na 40-footer container vans sa Subic Freeport. Milyong halaga ng tiyak na pagkalugi ng local farmers ang naisalba ni Biazon kung naipuslit papuntang merkado ang mga ismagel na bigas.

Hindi lang po yan ang nahuli ng BOC dahil may nahuli rin silang kilo-kilong droga sa isang dayuhang pumasok sa bansa.

Mantakin n’yo, sa NAIA pa lang ay arestado na ang suspek at tuluyan na niyang naikalat ito. Kaya naman ako ay bumibilib dito kay Biazon na bumitaw na muna siya sa kanyang ambisyong tumakbo sa pagka-senador dahil sa mas kailangan siya ng ating bansa sa Customs.

 

GAY BAR SA BAKURAN NI MAYOR BERNABE

Grabe ang prostitusyon sa White Bird Gay Bar Disco sa may Baclaran cor. Roxas Blvd. sa Parañaque.

Nagsisilbing front ito ng prostitution dahil sa paborito itong pasyalan ng mga matrona at babaeng nagtatrabaho sa club. Pati mga bading ay nagpapakasta.

Anomang mga reklamo o puna ay itext lang sa 0918-9274764,09266719269 o email juandesabog@yahoo.com.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply