Killer bus at pasuweldong driver

NITONG nakaraang mga ling-go, sangkatutak na aksidente sa bus ang namerhuwisyo sa mga kababayan natin, hindi lang sa Metro Manila, kundi kahit sa mga kalapit probinsiya nito.

Ang mga bus at mga dri-ver nito ay lumalala ang pa-giging salot sa lansangan. Sumosobra na ang dami ng napipinsala ng mga ito sa ka-nilang walang pakundangang paglabag sa batas trapiko.

Karamihan sa mga bus na ito ay natagurian nang mga killer bus line at ang litanya ng kanilang mga nasaktan o napatay ay sobrang haba na para ilista. Pero ang masakit, nasa kalye pa rin natin sila at patuloy ang pamemerhuwisyo nila sa ating mga motorista.

Alam natin na kamakailan ay naglabas ng utos ang De-partment of Labor para gawing suwelduhan ang mga bus driver natin. Layunin nito na matigil na ang sistemang boun-dary o porsiyentuhan sa kita ng bus driver.

Ito kasing sistemang ito ang dahilan kung bakit nagpapa-tayan ang mga driver ng bus para makakuha ng pasahero. Nag-uunahan, kumakarera at pabalagbag pumarada para hindi maunahan ng ibang bus sa pasahero.

Idagdag na rito ang kato-tohanang sobrang dami ang bus sa lansangan natin sa EDSA at ang mga traffic enforcer ay either walang alam o sobrang tamad gawin ang trabaho at nakita na natin ang recipe for disaster sa lansangan.

Pero ang utos na suwel-duhan na ang mga bus driver ay tinututulan naman ngayon ng mga bus operator.

Sa isang petition sa korte, sabi ng mga operator, nilalabag daw ng kautusan ang kani-lang karapatan dahil sa kontrata na hawak nila na nagsasabing boundary o commission basis lang ang mga driver nila.

Saang bansa ka nakakita, na ang isang mapagsa-mantala at maling gawain ng isang employer ay puwe-deng dinggin ng isang korte ng batas. Alam na nga natin na lugi at gulpi ang mga driver sa sistema ngayon, tinang-gap pa ito at diringgin ng korte dahil sa tinatawag na fair play.

Sa ibang bansa, kapag para sa karapatan ng obrero ang inilabas na batas, agad itong iniuutos na ipatupad. Sana ganun din dito sa atin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply