Kinalasan ng girlfriend, helper nagbigti

NAGPAKAMATAY sa pamamagitan ng pagbibigti ang isang helper nang damdamin ang pakikipagkalas ng kanyang kasintahan sa loob ng garahe ng pinagtatrabahuhang water station kahapon ng madaling-araw sa Muntinlupa City.

Kinilala ang biktimang si Eglecerio Luba, tubong Ligao City, Albay at stay-in helper sa FJP Water Supply sa Blk 5 Lot 12 Jade Heights Brgy. Tunasan nang madiskubreng nakabitin ng kanyang kasamahan sa trabaho na si Jessie Patalinhug, 27, alas-5:30 ng madaling araw sa garahe ng naturang water station.

Sa report, posibleng dinamdam ng biktima ang pakikipagkalas ng kanyang 19-anyos na kasintahang si Shienna Salmorin, ng Schubert St., Jade Heights sa naturan ding barangay kaya ipinasiyang tapusin ang kanyang buhay.

Sa pahayag naman sa pulisya ni Salmorin, huli silang nag-usap ng kanyang dating kasintahan noong Sabado ng gabi dakong alas-8 at lasing na lasing ang biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply