Kinatawan ng masa sa pagboto sa CJ, hiniling

SUPORTADO ng isang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) official na magkaroon ng transparency sa isinasagawang paghahanap ng magiging susunod na punong mahistrado ng Korte Suprema.

Ayon kay Father Conegundo Garganta, executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Youth, dapat lamang mabatid ng publiko ang kung paano isinasagawa ang pagpili sa bagong chief justice.

Ipinaliwanag ni Garganta na makatutulong kung magkakaroon ng live coverage sa public interview sa mga nominado sa posisyon upang higit na maunawaan ng mga kabataan kung paano isinasagawa ang proseso at maging pamilyar dito.

“The publicized process will be a learning experience for the public, including the youth, to know more about the nominees and to be familiar with them,” ani Garganta.

Gayunman, sinabi ni Garganta na ang pinakamainam ay kung magkakaroon ng kinatawan mula sa masa sa pagboto para sa Chief Justice upang makapili ang mga ito kung sino ang nais nilang maging susunod na mahistrado.

“But the best thing is to have a representation from the masses in voting for a chief justice so that the public can convey [their sentiments on] who they want to be Chief Justice,” paliwanag pa ni Garganta.

Matatandaang nabakante ang naturang posisyon nang ma-impeach sa puwesto si dating Chief Justice Renato Corona dahil sa hindi pagdeklara ng kanyang tunay na yaman sa kanyang Statement of Assets Liabilities and Net Worth (SALN).

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply