Kinatay na dilag ipinakain sa pating

CAMARINES SUR – Nalambat ng isang residente ang bangkay ng isang dalaga na tadtad ng saksak bago pa man ito pagpiyestahan ng pating sa dagat sa bahagi ng bayan ng Balatan.

Sa inisyal na ulat na natanggap mula sa pulisya, natukoy ang biktima na si Mary Grace Capitpit, 23, ng nasabing bayan.

Nabatid na tadtad ng saksak ang katawan ng biktima na pinaniniwalaang pinaslang muna bago itinapon sa karagatan.

Huli umanong nakita si Capitpit sa isang fish port na may kausap na hindi pa nakikilalang lalaki na siya ngayong pinaghahanap upang maimbestigahan sa nangyaring krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply