Klase suspindido sa ilang bahagi ng Rizal

Rizal — Inihayag ng Department of Education (DepEd) Division of Rizal na suspendido na ang klase sa ilang bahagi ng lalawigan kaugnay ng walang tigil na pagbuhos ng ulan simula pa kaninang hatinggabi.

Unang nagsuspinde ng klase ang buong siyudad ng Antipolo mula sa kindergarten hanggang sa high school sa mga pampubliko at pribadong paaralan,

Sinabi ni Joey Marco rescue team chief, na agad kinansela ni Mayor Nilo Leyble ang klase dahil sa alas-3:30 pa lamang ng madaling araw ay bumuhos na ang malakas na ulan kung saan sa V.V. Soliven area ay hanggang tuhod na ang tubig at hindi na puwedeng daanan ng maliliit na sasakyan.

Nakatutok na rin ang rescue team sa mga posibleng land slide sa mga bahagi ng Barangay San Jose, Cupang, San Luis at San Isidro, na mga land slide prone area.

Agad ring sinuspinde ni Cainta Mayor Mon Ilagan ang pang-umagang klase hanggang sa high school dahil sa pagbaha partikular na sa kahabaan ng Ortigas extension dahil sa rekomendasyon ng local disaster officer  habang sa bayan ng Angono ay buong araw na walang klase dahil sa pag-apaw ng tubig sa mga ilog at kanal na umabot hanggang tuhod.

Nabatid na ang bayan ng Cainta at Angono ay mga mabababang lugar kung saan ay bumabagsak ang tubig mula sa kabundukan ng Antipolo, San Mateo at Rodriguez.

Sa bayan naman ng Teresa at Morong, umabot na rin sa national road ang baha kung kaya’t suspendido na rin ang klase dahil sa panganib na tumaas pa ito sakaling hindi tumigil ang pagbuhos ng malakas na ulan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply