Klinikang may stem cell therapy, babantanyan ng DOH

BUMUO na ng Department of Health (DOH) ng isang task force na naglalayong mag-regulate sa mga klinikang nag-aalok ng stem cell therapy.

Ayon kay DOH Secretary Enrique Ona, naalarma ang ahensya sa pagsulpot ng mga stem cell therapy clinic gayundin ang labis na pangako ng mga ito sa kanilang advertisements.

Binabalangkas na ng task force ang guidelines na magre-regulate sa mga klinikang ito.

Ang stem cell therapy ay mahal na proseso ng regenerative treatment para gamutin ang seryosong sakit ng tao at ginagamit na rin ngayong bilang pampabata at pampaganda.

Maraming medikal na mga mananaliksik ang naniniwala na ang stem cell theraphy ay may potensyal na baguhin ang mukha ng tao na may sakit.

Bukod dito, naniniwala rin ilang nakapagpapakalma ang naturang theraphy sa mga may sakit.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply