Knights titirisin ang Generals

UMANGAT sa team standing ang pakay ng host Letran Knights upang mapalakas ang tsansa sa inaasam na Final four sa nagaganap na 88th NCAA men’s senior basketball tournament.

Galing sa panalo ang Letran at kailangan nilang tirisin bukas ng hapon sa out of town game ang Emilio Aguinaldo College Generals upang makakalas sa three-way tie sa panglima hanggang pampitong puwesto.

Kasalo ng Knights ang tinuhog nila sa huling laro na Mapua Cardinals at Arellano U Chiefs na may 2-3 win-loss slate.

Magsasalpukan ang Intramuros-based Letran at EAC sa ganap na alas-4:00 ng hapon sa San Luis Sports Complex sa Sta. Cruz Laguna habang ang banggaan ng Chiefs at College of Saint Benilde Blazers naman ang main game sa ika-6:00 ng gabi.

Sasandalan pa rin ni Letran coach Louie Alas ang kanyang anak na si Kevin Alas sa opensa at habang kulang pa ang kanyang tropa sa lundagan ay kay Jonathan Belerio naman ito kukuha ng lakas sa rebounds.

Samantala, nakihalo naman ang last year’s runner-up San Sebastian College Stags sa top spot matapos nitang suwagin ang Lyceum of the Philippines Pirates, 87-79 kahapon sa San Juan Arena.

Binandera ni reigning MVP Calvin Abueva ang kanyang pang-18 sunod na double-double matapos itala ang 25 points at 10 rebounds.

May kartang 4-1 panalo-talo karta ang Stags kasama ang defending champion San Beda College Red Lions at Jose Rizal College Heavy Bombers.

Nagsosolo naman sa fourth place ang Perpetual Help Altas hawak ang 4-2 card.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply