Koko Pimentel, tameme sa piyansa ni GMA

MISTULANG naging estatwa na walang kibo at natameme si Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III sa naging desisyon ng Pasay Regional Trial Court na makapagpiyansa si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa kasong electoral sabotage na isinampa laban sa kanya.

Sa panayam ngayong umaga, sinabi ni Pimentel na kanyang iginagalang ang desisyon ng korte dahil karapatan at tungkulin naman ng hukom na maglabas ng katulad na desisyon.

“Karapatan at tungkulin naman ng huwes na maglabas ng desisyon sa isyu depende sa bigat ng argument at ebidensiya,” ayon kay Pimentel.

Matatandaan na si Pimentel ang siyang naghain ng kasong electoral sabotage laban kay Ginang Arroyo kaugnay ng pandaraya sa kanya noong 2007 senatorial elections.

“Siguro hindi kumbinsido ang huwes sa nag-iisang testigo ng prosekusyon kaya binigyan ng pagkakataong makapagpiyansiya si Congresswoman Arroyo,” ayon sa senador.

Gayumpaman, sinabi pa ni Pimentel na dapat mgpatuloy ang paglilitis sa kaso dahil heinous crime ang kinahaharap ng dating chief executive kahit nag-iisa ang eye witness ng prosecution panel.

“Matalo man o manalo ang kaso, importanteng umusad ang paglilitis,” giit pa ng senador.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply