Koleksyon ng buwis sa QC, tumaas ng P3-M

TUMAAS ng P3 milyon ang nakolektang buwis ng Quezon City government ngayong taon.

Ito’y batay sa record na isinumite ni QC Treasurer Edgar Villanueva kay QC Mayor Herbert Bautista, kung saan umaabot sa halagang P321,283,217.86 ang koleksyon ng lokal na pamahalang lungsod Quezon magmula Enero hanggang ngayong buwang kasalukuyan.

Noong nakaraang taon, nasa P318,495,965 lamang ang nakolekta ng city government sa kahalintulad ng panahon bunsod na rin ng maayos na kalakaran at programa ng QC Treasury Office sa  kanilang pangongolekta ng buwis sa mamamayan ng lungsod.

Gayunman, dismayado pa rin si Villanueva, dahil posibleng hindi umano nila maabot ang target collection sa buong taon na aabot hanggang P12 bilyon dahil may ibang division pa rin ang pumapapel sa pangongolekta ng buwis.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply