Kolektor binoga, patay

NASAWI ang isang 41-anyos na kolektor ng isang pribadong kompanya makaraang barilin nang humarang na dalawang armadong kalalakihan sa lalawigan ng Camarines Norte.

Nagtamo ng  tatlong tama ng baril sa kanyang katawan  si Nona Talento ng Purok 4, South Poblacion sa bayan ng Jose Panganiban.

Ayon sa imbestigasyon, katatapos lamang maningil ng biktima sa ilang business establishment sa pamilihang bayan nang harangin at agawin ng dalawang armadong kalalakihan ang bag nito na naglalaman ng aabot sa P700,000.

Napag-alaman na tinangkang manlaban ng biktima kaya ito ay pinaputukan ng mga suspek hanggang sa bawian ng buhay.

Kasalukuyang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad at hinihinalang posibleng kilala  lamang ng biktima ang nasa likod ng krimen na may alam sa kanyang trabaho at may bitbit na pera nito.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply