Kolorum at inutil na LTO at problema sa barangay

BIGYAN naman po natin ngayon ng pagkakataon na maihayag ng ating mga mambabasa ang kanilang mga kaisipan, reklamo, karanasan, damdamin, pangarap at iba pa.

INUTIL NA BARANGAY

Panawagan ko lang po kay Chairman Sonny Paragua at sa mga kagawad ng Brgy. Paltok, SFDM, Quezon City. Sila po’y mga inutil, mga walang silbi sa pagpapatupad ng curfew, pagsawata sa mga tambay,  inuman sa kalsada kahit dis-oras ng gabi, sugal sa kalsada, nagkalat na aso at illegal parking. Thanks.  +63938754…..

PUNA KAY SEC. ROBREDO

Kulang sa sistema at stratehiya si DILG Sec. Robredo sa kanyang paggampan ng kanyang functions. Dapat ang simpleng pag-aanunsyo kung may bagyo o wala, may klase o wala ay ibigay ng DILG Sec. sa bawat DILG unit at interconnected sa DILG Provincial Offices hanggang sa mga  Municipal Office at Barangay. May epektibong komunikasyon din dapat sa lahat ng mga Paaralan sa kanilang sinasakupan. Epektibong  communication system ang kinakailangan para siguradong makarating sa kinauukulan ang balita. Hindi ‘yang magtuturuan sila na parang ibinabagsak ng DILG Sec. ang kanyang Functions sa Barangay para iwasan ang anomang kapalpakan niya kung may aberya. EHP ng Cordillera. +63920823….

WALANG LABAN SA CHINA

Opinion lang po! Wala tayong laban sa China kung sakaling maglaban ang Pilipinas at China. Kulang tayo sa armas pandigma. Wala tayong missile at nuclear bomb, ‘di gaya ng China na hi-tech. Mahirap ang Pinas. Kung tutuusin, mayaman tayo sa pagkain at mineral kasi tropical country tayo. Nagkaganito tayo dahil sa kurakot ang Pinoy.  +63921603….

PAGPILI NG CHIEF JUSTICE

Dapat amyendahan ang polisiya sa pagpili ng magiging Chief Justice. Ang mga miyembro ng Judicial and Bar Council ay Chief Prosecutors that are being selected galing sa Christian-Muslim Mindanao. Ang dalawang miyembro, isa ang manggagaling sa Southern Philippines Indigeneous Peoples, dalawa sa Visayas, isa sa Bikol Provinces,isa sa Ilocos or Ilocano, isa sa Cordillera, isa sa Northern Philippines Indigeneous Peoples, isa sa NCR at isa sa Central Luzon. Sila ang dapat mamuno ng JBC na kumilatis at mamili ng susunod na Chief Justice. Dapat hindi makikialam ang Kongreso,  Senado at lalo ang Malakanyang although ang Pangulo ang siyang taga-pirma ng approval at walang karapatan ang Pangulo na i-veto o i-disapprove ang anomang desisyon ng JBC. ‘Yan ay final at executory. Ito lang po ang isang disente at balanseng opinion. Emil Hombrebueno, ng Cordillera. +63920823….

SABIT SA MGA ILIGAL

Good am po! Kagabi may sinaksak dito, pamangkin ng kapatid ng kaibigan namin dito. Ganito po ang mundo naming ginagalawan. Pihit ang mga pag-upo sa barangay. Mga protektor po ng iligal  ang nag-uupo sa kanila tuwing eleksyon. Paano sila magpapatupad ng batas dito? At paano sila igagalang at susundin ng mga tao? At magagawa kaya nilang manuwag at gumawa ng mabuti sa kapwa gayong ang nag-uupo sa kanila ay ang 3 confidential?  From group of concerned citzens ng Barangay San Pedro, SJDM, Bulacan. Huwag ilathala ang number ko. Sana ma-recount kami nang mawala silang lahat! +63946707….

KOLORUM AT INUTIL NA LTO

Sir Benny, good am po.  Kami po rito sa Cabiao, Nueva Ecija ay araw-araw na sumusubaybay sa ULTIMATUM. Sa dami po ng mga reklamo at natulungan ninyo sana po kami rin ay inyong matulungan. Dito po sa aming ruta na Gapan, NE-Arayat,  Pampanga, kalahati ng pumapasada ang kolorum at ang iba po ay out of line. Idinaing na po namin ito sa LTFRB REGION 3 pero walang aksyong ginawa ito. Pati po LTO wala rin pong ginagawa. ‘Di po namin alam kung bakit. Kawawa naman po kami  na may linya. Silang walang ibinabayad sa gobyerno ang nakikinabang. Matatapang pa po sila. Sana po matulungan ninyo kami. Salamat po. God bless po. Please po huwag i publish ang cp number ko para sa kaligtasan ko. Sigurado po na pag-iinitan nila ako pag nalaman nila na nag-text ako sa inyo. More power po. +6392869….

TURO NI QUEZON BURAHIN

Dapat pangunahin ng mga simbahan o mabubuting tao at media na alisin sa Philippine History ang sinasabi ng bwisit na si Pres. Manuel Quezon na “mas mabuti na ang Pilipinas ay pamahalaan o patakbuhin ng mga Filipino na katulad ng impiyerno  kaysa parang langit sa ilalim ng mga dayuhan gaya ng mga Amerikano.” Biro mo, nakasulat ito? Masama sa mata ng Diyos ito. Kaya nagkahetot-hetot ang paganong ban-sang Pilipinas na ang sinasamba ay imahen o bato/kahoy na gawa ng kapwa tao. +63917916….

SOBRANG TRIKE

Magandang hapon po. Ipaaalam ko lang po sa mayor namin dito sa San Pablo City, Laguna na grabe na ang dami ng traysikel dito. Kasi po, one thousand mahigit ang may prangkisa. Kaya po halos puno ng traysikel dito. Porke malapit na ang election. Bakit po, mayor, na ‘di natin tularan ang Lipa at Lu-cena na may limit ang pagla-labas ng prangkisa nila. +63946561….

MAYABANG SA BARANGAY

Good pm. Sana po sa pamamagitan ng kolumn ninyo ay maihatid sa Brgy. Hall ng Tejeros, Makati ang ukol sa isa nilang trabahador na nagngangalang JUN OSOLIO. Tungkol po ito sa  pananakot niya sa text at pagyayabang niya na marami siyang koneksyon, kabilang na po ang mga kabastusang mensahe na ipinadadala niya. Salamat po. +63922572…

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply