Kongresista na hiwalay sa magandang misis type nang pakasal sa kapwa lalaki

CLUELESS kami sa kumakalat na blind item tungkol sa isang kongresista na hiwalay sa magandang misis na gusto na raw umibig muli. Pero sa pagkakataong ito ayaw na niya sa babae kundi sa kapwa lalaki na. Well, parehong hiwalay sa kanilang wife ang dalawang congressman na ito. Pero mas duda kaming taga bandang South ang tinutu- koy ng naturang blind item.

Kasi matagal ng nababalita ang pagka-silahista nito. Hindi ba’t nagkaroon pa nga siya ng affair sa namayapang actor na naging boyfriend noon ng controversial actress na married na at may mga anak. Tapos, na-link rin si nasabing politician sa isang hunky young actor na produkto ng Artista Search at nakakontrata hanggang ngayon sa Kapuso Network.

Ang sabi atat na atat na ang kapatid nating ito na ma-annul na ang kasal nila ng kanyang wifey para wala ng sagabal sakaling ibahay na niya ang kanyang mapipiling man of his life.

Kasi naman, bakit pinipilit pang magpakalalake eh, papa rin naman ang hanap. Well, marami talagang paminta sa mundo nating ito. Bato bato sa langit ang tamaan timbog gyud! (Hindi siya ang tinutukoy sa blind item te. Kahit na ganon ang eksena ng politician na ‘yun, never naman siyang nag-isip na hiwalayan ang kanyang asawa! – Ed)

***

Bumaha ng luha sa farewell presscon ng top rater teleserye na Mundo Man ay Magunaw

KUNG ang isa sa main cast lang na si Eula Valdez ang masusunod, gustung-gusto niyang magkaroon ng Book 2 ang kanilang teleseryeng magtatapos na sa July 13 na Mundo Man ay Magunaw na hanggang ngayon ay patuloy na humaha taw sa rating games.

Yes, bumaha talaga ng luha sa Farewell Presscon ng buong casts ng MMAM dahil pare-pareho  silang bitin at ayaw nilang magwakas ang kanilang serye.

Ayon pa kasi kay Eula at Sylvia Sanchez na magkapatid sa serye ay nakabuo sila ng pamilya rito, lalo na sa kalagitnaan ng kanilang mga taping na todo-todo ang bonding nila with their co-stars like Tessie Tomas, Emilio Garcia, Jason Gainza at mga bagets na sina Empress, Ejay Falcon at Nikki Gil.

Kuwento pa nga ni Empress ng mag press visit keami sa last taping day nila sa Unciano Medical Center diyan sa may Antipolo, sobrang bonding ang nangyari sa kanila ni Ms. Eula, lalong-lalo na kay Sylvia na nagpanggap na ina niya sa Mundo Man ay Magunaw.

Hindi lang sa career ang pinagkukuwentohan nila kundi ang mga personal nilang buhay-buhay. Nanay na raw ang turing niya sa dalawang aktres at madalas silang magpalitan ng text messages ng mga ito.

Si Nikki, naging close rin sila rito at si Ejay naman madalas na niyang makatrabaho kaya buddy buddy na sila nito. Samantala, sa nasabing taping ay kinunan ang eksena kung saan nabaril nang hindi sinasadya ng pulis si Empress (Sheryl), na dapat ay si Lanie (Sylvia) ang babarilin.

Kaso mo, siya ang tinamaan. Nag 50-50 ang lagay ni Sheyrl. Bagay na labis na ipinag-alala ng kanyang totoong ina na si Olivia (Eula) at amang si Dante (Emilio) ganoon na rin ng kapatid sa ina na si Jenny (Nikki) at boyfriend si Nicko played by Ejay.

Makaligtas kaya sa bingit ng kamatayan si Sheyrl at malaman na kaya ng dalaga na si Olivia ang tunay niyang nanay? At ano na ang mangyayari kay Lanie ngayong nabulgar na ang kanyang kasamaan na pati sariling kapatid ay nagawa niyang ipahamak?

At para hindi mabitin at masagot lahat ng mga gusto nyo pang malaman sa serye, sabay-sabay natin itong panoorin mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng It’s Showtime sa ABS-CBN 2.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply