Kongreso hihimukin si PNoy sa usaping Chacha

HINIMOK ng isang mataas na lider ng Kamara sina House Speaker Feliciano Belmonte at Senate President Juan Ponce Enrile na kausapin si Pangulong Noynoy Aquino tungkol sa usapin ng Charter Change.

Sinabi ni House Majority leader Neptalie Gonzales na kailangang maipaliwanag nila sa pangulo ang intensyon ng dalawang kapulungan na amyendahan ang Saligang Batas at kung ano ang magiging limitasyon nito.

Ani Gonzales, mabuting gawin na ito nina Belmonte at Enrile bago ang State of the Nation  Address (SONA) ng pangulo upang magkaalaman na kung ano ang nararapat na gawin ng dalawang kapulungan ng Kongreso sa Chacha.

Paliwanag pa ng mambabatas, na kung teknikalidad ang pag uusapan, hindi naman kailangan ang go signal ng pangulo sa Chacha  dahil sa purely legislative initiative ito.

Aminado naman ang isa sa mataas na lider ng kamara na mahirap kumilos ang dalawang kapulungan kahit pa mag-constituent assembly kung walang suporta ng pangulo dahil malakas ang impluwensya nito sa mga mambabatas.

Dahil dito kaya hinikayat din ni Gonzales ang pangulo na maging bukas sa isyu ng Chacha dahil kailangan din nitong isipin ang magiging lagay ng ekonomiya pagtapos ng termino nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply