Konsehal sa Cagayan sabog sa granada

TODAS ang isang konsehal sa Peñablanca, Cagayan makaraang masabugan ng granada.

Kinilala ang biktima na si Luciano Lopez Jr., may-asawa, miyembro ng rescue 24, ng Barangay Aggugaddan sa nabanggit na bayan.

Nabatid na nagtungo si Lopez kasama ang kanyang pinsan na si Rogelio Lopez sa Brgy. Lagum sa nabanggit na bayan sakay ng isang motor banca para bumili ng baboy.

Iniwan sandali ng mag-pinsan ang kanilang bangka upang maghanap ng mabibiling baboy.

Ngunit habang pabalik na sa bangka, nakakita ang pinsan ng biktima ng isang granada at naipasa ito kay Luciano na bigla namang sumabog.

Nagtamo naman ng minor injury ang pinsan ni Luciano.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply