Kontaminadong herbal medicine nagkalat sa merkado

HINILING ni Manila Rep. Ma. Theresa Bonoan-David, na imbestigahan ng House Committees on Trade and Industry, Health and the Quality Affordable Medicines Oversight Committee ang pagkalat sa merkado ng ilang kontaminadong herbal medicines.

Kasabay nito binalaan ni David ang publiko laban sa mga kontaminadong herbal medicines na ibinebenta sa napakamurang halaga.

Nabatid na may ibang herbal medicines na sa halip na makagamot ay lalong nagpapalala sa kalusugan ng bawat indibiduwal.

Nabatid na sinomang makainom ng aerobic bacteria sa mga kontaminadong herbal medicines ay malaki ang posibilidad na magdulot ito ng masamang epekto tulad ng pagkakaroon ng lagnat, gastrointestinal at pagsusuka, pagtatae at dehydration.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply