Kontraktuwal sa SSS at kinurakot na sahod sa Pasay

BIGYAN naman po natin ng pagkakataon na maihayag ng ating mga mambabasa ang kanilang mga damdamin, reklamo, kahilingan  at iba pa.

Brownout sa Kabikulan

Bakit ganito sa Bicol? Ang mahal ng bayad sa electric bill pero bakit laging brown out? Ganyan ba talaga ang serbisyo ng CASURECO II? Kapag malapit na ang bayaran sa bill, ok ang serbisyo. But right after ng bayaran, magsisimula na ang walang humpay na brown out. Hindi ba nila naiisip na napakaraming business ang napeperwisyo? Tulad ko, ang daming deadlines sa report. Walang matapos-tapos dahil sa brown out na ‘yan. Mapansin naman sana ito ng kinauukulan. Dami ng napeperwisyo. Thank you. +63905225….

Iskam sa LTO

Good pm, Sir Benny. Ano po itong ginagawa ng LTO? Sila ang nagkakamali sa pag-encode ng model kaya naaantala ang pagre-renew namin ng rehistro at kailangan na ma-RSU (Request System Update) daw sa system. Eh sobra ang tagal, ilang buwan ang lumilipas. Pag-rehistro namin, may penalty. Parang hindi po maganda. Sila ang may kasalanan, kami ang magbabayad ng penalty. Pakikalampag po si Assec Virgie Torres.      +63927934….

Quarry, sugal sa Rizal

Ka Benny. Dito sa amin sa San Mateo, Rizal, sa Sta. Ana may guarry sa loob ng subdibisyon. Sa gabi naman ay may sabungan. Please help. Concerned citizen. +63930557….

Kabobohan sa militar

Nabasa ko na maraming helicopter ang balak na bilhin ni Sec. Voltaire Gazmin or AFP kaysa jet fighters. External defense ang pinag-uusapan. Ano bang panama ng 20 helicopter sa 1 jet fighter sa labanan? Ano bang panama ng 2O destroyers na kanyon lang ang gamit sa isang missile destroyer? Malayo pa wasak na ang mga ‘yon. Mga bobo, parang ‘di nag-aral si Sec. at mga heneral. +63917916….

Best actor

Hello sa Smart at Globe. Ano ba yan? Sa mga pa- loadan, may dagdag na P3 kada load. Ano yan, negosyo na ninenegosyo pa uli? Paki-check niyo. Nakahihiya talaga. GANID?    +63905732….

Dayaan sa halalan

Good day po, sa kinauukulan. Retirado po akong guro. Dito lang ang bahay ko malapit sa eskwelahan sa San Pedro, San Jose del Mon-te, Bulacan. Matagal nang maraming ginagawang maniobra sa boto rito tulad ng palit “ER”. “Yung iniiwan sa tao at board of canvasser. Kapag nailigpit na at bilang na ang lahat, ilalagay na sa ballot boxes ‘yung mga tama. Wala namang nakapagpapa-recount at mahihirapan sa pera. Last Oct. 25, 2010 ginawa pa rin pala ito at grabe. Lahat ng mga kaibigan kong bagong takbo na panalo noong 2007 ay hindi rin pinaupo. Nakiusap lang si ….. na ngayon na lang at last term na daw siya at mga bata niya ngayon mga kagawad. Pinapipihit lahat, pati yung bestfriend ng anak ko na No. 1 dapat at landslide hindi rin nakaupo. Tapusin niyo na ang kalokohan nila at ng mga boss nilang may iligal. Nakaliligtas pa ang grupo ng mga nakaupo ngayon na mga hindi tunay na elected.                           +63946707….

Contractual sa sss

Good day po sa inyo. Nais lang po naming ituon ang atensyon ninyo sa isang problema na alam naming matutulungan n’yong masolusyunan. May kasabihan na ang gobyerno ang mga nangungunang violators ng rights ng mamamayan. In our case, we deem this true. Kami po ay nagtatrabaho sa isang GOCC, ang SSS, a model institution in every way. I’ve been working here for more than 10 years pero not as regular employee but as a contractual. Yes, sir, mahigit 10 taon na po akong contractual. Hindi po ako nag-iisa, may iba rito na mahigit 15 taon na. Ang iba namatay na lang ngunit hanggang ngayon ay hindi pa kami makuhang ma-absorb ng SSS.                                        +63905605….

Sahod sa Pasay kinurakot

Magandang araw po sa inyo! Ako po ay humihingi ng tulong sa inyo! Isa po ako sa mga J.O. (Job Order) ng Pasay City Hall na hanggang sa ngayon ay hindi pa nakakukuha ng sahod. Natuklasan po namin na nakuha na at nasunog na rin ng mag-asawang THESS DEL RIO AT WANBOL SANTOS ang aming sweldo na aabot sa P400,000.

Sila po ay parehong Staff ng anak ni Mayor Calixto na si Mark Calixto. Ang tanong lang po namin ay may kinalaman po kaya si Mark Calixto rito? Maraming Salamat po!            +63915900….

Mahal na sedula

Good afternoon, Sir Benny. Bakit po rito sa Barangay Lambakin dito sa Bulacan ay napakamahal ng sedula? ‘Di ba ang sedula ay ‘di umaabot ng P20? Kasi noong kumuha po ako ay siningil ako ng P50 para sa sedula at P20 para sa barangay cleareance. Makatao po ba ang paniningil ng mahal sa mga dokumento ng kapitan ng barangay at ng mga tauhan nito? Please  solusyunan niyo po ang suliranin dito.     +63946327….

Gustong cj

Sir Benny, good am. Ako, gusto kong si Justice Brion ang maging Chief Justice  kapalit ni Tita Miriam. Kasi, una, si Justice Brion ay angkop ang kanyang kwalipikasyon at expert na sa rules ng Supreme Court. Boto kami sa kanya at hindi ‘yung alipores ni PNoy para hindi madungisan ng pulitika ang puno’t ugat ng pag-alis kay Renato Corona. +63916467….

AKSIDENTE

Good am, ang CHER bus ay laging may aksidente at ang terminal nila sa Pacita ay nakatapat sa traffic light. Magkano at salot talaga. +63919283….

GOLD MINING PAHINTUIN

Stop gold mining. Nasisira ang kalikasan at maraming naidudulot na hindi maganda sa ating bansa. +63917516….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa  www.remate.ph o i-text sa 09214303333.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply